Sunday, September 30, 2007

fil script

Pari: mayroon bang tumututol sa pag- iibigan nina Paulita at Juanito? Magsalita na o

Panghabangbuhay na manahimik.

Isagani: itigil ang kasal!

Paulita: Isagani? Ano ang ginagawa mo rito?

Mga tao: huh?

Donya V: At ano ang ginagawa ng Indyong yan dito? Paulita, palayasin mo nga yan!

isagani: Paulita!ano ang dahilan at ako’y iyong pinagtaksilan?

Paulita: Isagani! patawarin mo ako.. akala ko'y hndi ka na babalik kaya't ako'y

napilitan na magpakasal dahil na rin kay tiya victorina.Ngunit ikaw

parin ang mahal ko.

Isagani: pinapatawad na kita, paulita. Sumama ka na sa akin.

Paulita; tiya!juanito!mga panauhin! Ako sana’y inyong patawarin! Si isagani ang

tinitibok ng aking puso.

Isagani: halika na paulita.

(si paulita ay tatakbo palabas ng simbahan)

Donya V: Paulita! Bumalik ka rito!hindi mo alam ang ginagawa mo!
Don Timoteo: HINDIIIIIII!!!

Juanito: Paulitaaaa!!

(hinabol ni juanito ang nag tanan hanggang sa nakita niya ito sa may kalasada ng escolta)

Juanito: Paulittaaa! Sandali!

(tumigil sa paglalakad sina isagani at paulita)

Juanito: Paulita mahal kita… Wag kang sumama sa mang mang na Pilibusterong iyan.

Dito ka lang sa aking tabi at ika’y paliligayahin ko at ibabagay ko rin ang lahat ng aking kayamanan para sa iyo.

Paulita: Ngunit si Isagani ang aking mahal, akoy iyong patawarin Juaniito.

Isagani: Narinig mo ang binibini… Pabayaan mo na kami.

Juanito: (hindi pinapansin si Isagani) Juanita, please..

Isagani: (INIS NA INIS NA) ANU BA?! LAYUAN MO NA KAMI!

(sa di kalayuan may grupo ng tulisan at nakitang nagtatalo ang tatlo. Napansin nilang kinukulit ng isang kalalakihan si Isigani na kakilala nila.)

Tulisan: Sinu kaya yong nanggugulo sa aking kaibigan na Isigani? Patayin ko kaya para di na mangulo …*BOOM*

(Bigla na lang napahiga si Juanito at namatay. Sa sobrang gulat nina Isagani at Paulita ay lumisan na lamang sila sa pook na yoon at nabuhay ng mapayapa)
*******

(Sa kabilang dako naman, si Sinong na dating kutsero ay naging alipin ni Hermana Penchang)

Hermana Penchang: SINONG!! Sinong?! Sus maria hosep nasaan ka na!

Sinong: (patakbong pumunta kay Herama Pencahng) Narito po Hermana Penchang. Anu po ang maiilingkod ko sa inyo?

Hermana Penchang: Asus napakabagal mo! (Sinampal si Sinong) Oh siya! Ipag luto mo na ako ng makakakain!

Sinong: …opo

Hermana Penchang: VAMONOS Sinong VAMONOS!(tinulak si Sinong papuntang kusinaat ito’y nadapa) at ako’y mahuhuli sa misa.

Sinong: (*sa sarili*) Maghintay ka pwede ba tao lang ako. (kay hermana) opo..

(pagkahain ng pagkain)
Hermana Penchang: (niluwa ang pagkain) Pwe! Napaka pangit naman ng lasa nito! Walang kwenta! (sinampal si Sinong) O siya ako’y nawalang na ng gana kumain! Ako’y iyong ihatid nalang sa simbahan para ikay magkaroon ng silbi! ANDALE ANDALE

Sinong: (sa sarili) Bwisit na matandang ito. Nakakarami ka na ahh.. (kay hermana) Opo..

(hinatid ni Sinong si hermana Penchang sa Simbahan. Bumababa ang Hermana sa Kalesa at papasok na ng simbahan. Papasok na rin si Sinong ngunit.)

Hermana Penchang : (pinigilan si Sinong) SANDALI LAMANG! Huwag kang Pumasok!
Sinong: Pero.. Gusto ko rin mag dasal, akoy iyong paraanin

Hermana Penchang: Ayoko! Hindi ka nababagay dtito! Alis! Masyado kang makasalanan para pumasok sa simbahan!

Sinong: (tsk… punong puno nko sayo! Humanda ka saking babae ka pagkalabas mo)

(pagkatapos ng Misa at pagkalabas ni hermana penchang ay sinaksak ito ni Sinong at tumakbong papalayo)

(habang naglalakad si Sinong, pinag ninilayan niya ang mga nagawa niya)

Sinong: Mabuti nga sa Matandang Babaeng un. Karapat dapat lang siya mamatay!

(nakita ang “lampara ni Simoun”)

(Nakita ang mga prayleng nagpabugbog sa kanya dati)
Sinong: (sa sarili) aha! Ang Lampara! Na ikwento sa akin ni ginoong Basilio ang tungkol dito.. (tumingin ng masama sa mga prayle na nagchichikahan sa di kalayuang bahay)

Ma subukan nga kung gumagana nga (evil laugh wahahaha)

(nilagay ni Sinong ang lampara sa ilalim ng bahay na kung nasaan ang mga prayle at sinindihan ito. Lumayo siya at pagkalipas ng ilang sandali sumabog ang bahay. Walang natirang buhay ni bakas ng mga prayle ay wala rin)

(masayang masaya si Sinong sa kanyang nagawa at tumatawang nag-lalakad sa kalsada ng biglang nakita niya rin bigla si Ben-Zayb. Isa rin sa mga taong nag alipusta sakanya.)

Sinong: At narito rin pala itong manunulat na ito ah. Patikim ko rin kaya dito ang galit ko. (pumulot siya ng kalawang na matulis na bakal na nakakalat sa tabi at pasugod na tumungo sa kinalalagyan ni Benzayb. Ilang ulit niya itong sinaksak hanggang sa hindi na humihinga ang biktima)

(natawa na lang si Sinong sa kanyang ginawa at nilisan ang lugar. Wala ng may alam kung saan siya nagpunta)

********

(sa bahay ni padre florentino)

(may malakas na katok.binuksan ito ng pari)

Padre Florentino: Ginoong Simon!ano po't naparito kayo?sugatan po kayo!

Simon: maayos lang po ako padre..huwag nyo po akong alalahanin.

Padre Florentino: ngunit.,mayroon po akong gamot, hayaan nyo pong tulungan ko kayo

Simon: maayos lang po ako padre...mayroon lang po akong nais ibilin sa inyo bago ako mamatay

padre f:mamatay?hindi niyo po alam ang inyong sinasabi!

simon:kakaunting panahon nalang padre..ang lason na aking ininom ay magkaka-epekto. nais ko po sanang—

(biglang bubukas ang pinto at darating si basilio)

basilio: G. Simon!ano po ang nangyari sa inyo?

simon: basilio!paano mo nalaman na ako'y narito?

benn roaring: sbasilio: may nakapagsabi po sa akin, ipinagpapatawad ko po na hindi natuloy ang pag- aalsa.

basilio: may nakapagsabi po sa akin, ipinagpapatawad ko po na hindi natuloy ang pag- aalsa

simon: nakapanghihinayang nga..

padre f:may mga paran ang Diyos para tayo'y hatulan, at marahil ang madugong himagsikan ang ay hindi sagot sa ating kalayaan

simon: nawa'y mapatawad po ako ng Diyos padre. Basilio, ipinamamana ko sayo ang lahat ng aking mga ari-arian.gamitin mo ito ng wasto

basilio:ngunit—

simon: makinig ka. darating ang panahon na may mga ibang maghahangad din sa ating bansa. tila matagal pa bago tayo makalaya. nawa'y palagi mong ipaglaban ang ating inang bayan. bagama't malakas ang kalaban, ang pagmamahal mo sa sarili mong bansa ang magdadala sa iyo sa tagumpay.

baslio: G. Simon, inyo pong asahan na lagi kong ipatatanggol ang karapatan at kalayaan ng mga Pilipino.

Simon: mabuti. kung ganoo'y maaari na akong mamamaty ng mapayapa. Padre Florentino, salamat at paalam. Basilio, paalam. tila nakikita ko na si Maria Clara na nababalot sa liwanag.. sinusundo na niya ako..

[mamatay si simon]

(ibibigay ni padre f ang kahon kay basilio)

padre f: heto. bagama't alam kong ang pinangalingan at pinangamitan niyan ay galing sa masama, inaasahan kong ito'y nasa mabuting mga kamay kung itatago mo.

basilio: salamat po, padre. ako po'y mangingibangbansa muna..magpapakalayo- lauo..pilit kong lilimutin ang mga mapapait na ala-ala at hahayaang maghilum ang mga sugat na dala ng aking kasawian.

padre f: nawa'y ang mga kabataan ay maging katulad mo.. may ipinapaglaban, may pangarap at may pag-asa para sa hinaharap.

*narrator* nagawa ni basilio ang lahat ng kanyang ninanais nang siya’y mangibang bansa. Tinapos niya ang kanyang pagaaral at nakatulong sa maraming tao. Bagamat sa kanyang malagim na nakaraan, siya’y nakapag-angkop sa mga pangyayari at sinunod ang huling mga utos ni simoun.

Pagkalipas ng maraming taon, si basilyo’y muling nagbalik sa pilipinas, ngayo’y sumasailalim sa pananakop ng mga amerikano, patuloy na naghahangad ng kalayaan.

No comments: